Thursday, August 26, 2010

pAnyO pLeaSe!

minsan sa isang buwan lang ako umuuwi.
kapag kelangang kelangan.

isang araw..
nag-iisa sa bahay.
wala si yaya, nagday-off.
alas onse ng umaga.
kumakalam na ang sikmura.
kelangang matapos sa paglilinis para
direstso na pahinga.

pagpag dito.
pagpag doon.
punas. walis.

kung pwede sanang mautosan ang mga butiki..
ang mga ipis..
ang mga lamok..
ahay.

iba daw mag-alaga ang ina kesa yaya.
da best!
walang kapantay.
kaya 'pressured' ako.

tapos na ako sa paglilinis.
isang bagay na lang.
kelangang magpalit ng beddings.
teka...bakit may damit ko sa ilalim ng unan?
ginawa nilang pamunas?
may kasama pang papel.
at may nakasulat:
WE MISS YOU..
















problema: meron ba?
solusyon: wala nga di ba? PANYO lang ang kailangan ko. 
huhuhu...


keri mo?

Saturday, August 21, 2010

hiNdi laHat ng bUtaS maSarAp. mAg-iNgaT!

safety is our policy!

sa kwarto namin.
bawal ang pangit.
bawal ang nakasimangot.
at bawal ang tatangatanga.

masaya kami.
the more the merrier.





walo kaming lahat.
ang saya saya.
may ganun ganun.
harhar. wuchook. gatong.

mga maldeta eber!
nag-uunahan sa CR.
sabay kumakain sa maliit na mesa.
nagtatawanan.
naglolokohan.
at marami pang iba.
basta!

 
problema: isa isa din kaming natitisod sa butas ng aming sahig.

solusyon: dapat masanay na kami. pwede namang magpraktis anytime.





keri mo?

no I.D.? kEep oFF tHe gRaSs!

sa MSU-IIT.

nagmamadali.
malapit na ang time.
may ilang kilometro pa ang lalakarin papuntang COE building.
3rd floor ang klasrum.

sa entrance gate.
anak ng kidlat!
naiwan ang ID koooooooo.



problema: NO ID, NO ENTRY.

solusyon 1: kung hindi kilala ng guard.. "Alumni Sir".. log in lang, ayos na!




solusyon 2: otherwise, better late than never!
                 eh di kunin ang ID!



keri mo?

rEaLLy $. m. O. R. t. huh?




problem loading page.
problema daw sa pagload.
baka maxadong mabigat!

loading.. loading.. loading..
ito na yata ang lagi kong naaaninag kahit offline ako.























time out!
ano to, basketbol?








unlimited ba talaga?
unlimited na kabwisitan ika mo!

















problema: meron ba?

problema: lintek naman oh!











problema: kelangan pa bang banggitin?

solusyon:   R. E. D. I. A. L.
              (P.S. repeat if necessary!)    






keri mo?

aaAAWwoooo...



may multo nga ba talaga?

isang gabi.
busy silang lahat.
ako? tulog na.
(as usual.. ako pa!)

pinag-usapan si toshiya.
naalala nilang lahat.
trip lang.

sino ba xa?
hindi talaga namin alam.
basta tawag lang namin sa kanya yan.
totoo man xa o hindi.

lampas alas dose na ng gabi.
piktyur piktyur ang drama.


problema: tingnan yung piktyur para malaman.
solusyon: teka...






huwag tingnan!


keri mo?

EEEeeeEew...

takot ako sa ipis.
ayoko talaga.
eeeeww ang amoy.
madumi, super dumi.

isang gabi.
may dalawang ipis sa kwarto.
'mating' season siguro.
buti pa sila, ahehe!

ayaw naming patayin ang ilaw.
ayaw naming matulog.
kelangang makasiguro kaming tepok silang dalawa.

dumapo sila sa kurtina.
nag-uusap. mga halimparot!

nag-aabang kaming lahat.
at...


plok! blag! paaaak!

lumipad yung isa.
palabas ng pinto.
patay ang isa.
dugmok.
pisat.
durog-durog.

problema: dun mismo sa kaisa-isang unan ko.
solusyon: matulog na walang unan.


keri mo?

Friday, August 20, 2010

MinUs fiFtY sa Q. U. I . Z.

aKo at si bEa lang ang crUsh nYa...
masarap magpalamig sa mall lalo na pag weekends.
kahit walang pera okay lang.
libre hawak, basa, amoy at kulikot sa mga bilihin.

ang hirap pag teacher.
madaming fans kahit saan magpunta.

isang araw..
"hello mam!" bati ng dalawang estudyante ko.
"oy, mukhang masaya tayo ah", puna ko sa kanila.
"yes mam! yes mam! may gwapo kasi dun.", ang sagot.
"talaga.. saan? ituro niyo nang makilatis natin".

"AYUN mam!"
"langhiya, ang pogi nga naman!"




problema: asawa ko yang pogi na yan eh.
solusyon: ipakilala!

keri mo?

P. U. T. I. K.

kAiLa kA Ug bAha?
heto yung harap ng boarding house namin.
may maliit na eskenita.
sa tuwing umuulan, hanggang tuhod ang tubig.
kung bago ang shoes or sandals, malas mo.
mas malas pa kung wala kang pambili ng bago.
kung may tsinelas kang dala, ayos lang!
yung mga walang klase lang ang maswerte.

problema: tatawid o hindi?
solusyon: pakeri sa mga willing volunteers.

keri mo?

B. R. A. LeSs!

7:30 sa umaga ang simula ng klase.
walang tulog sa dami ng projects, assignments, at quizzes.
tatlong araw nang umuulan kaya basa halos lahat ng mga damit.

problema: walang bra na pwedeng isuot.
solusyon: masking tape!

keri mo?